Balita

Hepe tiklo sa extortion sa drug suspects

- Ni FER TABOY

Inaresto kahapon ng mga tauhan ng Philippine National Police –Counter Intelligen­ce Task Force (PNP-CITF) ang hepe ng Bocaue Municipal Police kaugnay ng reklamong pagnanakaw umano sa mga nahuhuling drug suspect, sa isang entrapment operation sa lalawigan.

Kinumpirma ni Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), na naaresto si Supt. Jowen Dela Cruz, sa pinagsanib na operasyon ng kanyang tanggapan at ng CITF.

Nag-ugat ang kaso matapos magreklamo ang kapatid ng isang bilanggo na naaresto sa isang buy-bust operation, nitong Setyembre 5.

Sa kanyang reklamo, kinuha umano ng mga pulis ang sasakyan ng suspek bagamat hindi naman ito kasama sa ebidensiya.

Ginagamit din umano ni Dela Cruz ang nasabing sasakyan sa mga personal na lakad nito.

Ayon sa batas, ang isang ebidensiya ay bawal gamitin kapag ito’y nasa kustodya ng pulisya.

Paliwanag ni Senior Supt. Bersaluna, nakipag-usap ang pamilya ng suspek kay Dela Cruz at napagkasun­duang ibabalik ang sasakyan, kapalit ng isang bagong cell phone, ang mamahaling iPhone X.

Dahil dito, nagsumbong na ang complainan­t sa PNP-CITF, na kaagad na nagsagawa ng entrapment na ikinaarest­o ni Dela Cruz.

Natuklasan din ng pulisya na madalas umano itong gawin ni Dela Cruz sa mga drug suspect, at dalawa pa umanong sasakyan ang kinuha nito mula sa iba pang nahuli nila sa illegal drugs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines