Balita

Parak na nangotong sa preso, kalaboso

- Ni JUN FABON

Arestado ng Philippine National Police-Counter Intelligen­ce Task Force (PNP-CITF) ang isang operatiba ng Manila Police District (MPD), makaraang kotongan umano ang isang drug detainee kapalit ng ginhawa nito sa piitan.

Sa reklamo sa CITF ni Jericho Silvestre, drug detainee, sinabi niyang kinikilan umano siya ni PO1 Alexis Domingo ng P5,000 cash mailipat siya sa maginhawa at maluwag na selda.

Kaugnay nito, humingi pa umano ang pulis ng karagdagaa­ng P7,000 para mapabilis ang paglipat ni Silvestre sa Quezon City, kaya kaagad na nagsagawa ng entrapment operation ang CITF.

Mariin namang pinabulaan­an ni Domingo ang alegasyon sa kanya at iginiit na wala naman talagang VIP treatment sa mga preso.

Gayunman, ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa pamunuan ng MPD na sibakin ang 11 tauhan ng District Drug Enforcemen­t Unit (DDEU) habang isinasagaw­a ang masusing imbestigas­yon sa kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines