Hanggang sa dulo, kami ni Maine—Alden
EKSAKTONG 9:30 ng gabi nang pumarada ang sports car na sinakyan ni Pambansang Bae Alden
Richards sa harap ng Kia Theatre na hudyat na simula na ng Alden
Adrenaline Rush concert ng aktor nitong Sabado ng gabi.
Sinalubong siya ng nagtitiliang fans sa full-packed theatre at pagakyat sa stage ay tuluy-tuloy na ang numbers na ginawa niya. Talagang tumaas ang adrenaline hindi lamang ni Alden kundi pati ng audience dahil pasabog lahat ang ginawa niya. Mala-Victor Magtanggol ang isang stage number dahil sa aksyon. Nangyaring umakyat siya sa isang mataas na hagdan saka bumaba sa stage na naka-harness, para talunin ang mga ‘kalaban’ niya.
Sa ibang numbers ay kasama niyang kumanta ang Ex-Battalion na sumulat ng theme song ng seryeng Victor Magtanggol.
Sing and dance din sila ng grupong One Up at bongga rin ang dance showdown nila ni Betong Sumaya.
Isang number naman ang nagpaiyak kay Alden nang kantahin niya ang first single niya sa bago niyang album mula sa GMA Records ang Until I See You Again.
Habang kinakanta niya ito ay ipinalalabas naman sa background ang music video ng
I Will Be Here, na kinunan sa isang home for the elderlies.
Malapit daw siya sa mga lolo at lola at aniya, dapat laging ipadama sa kanila ang ang pagmamahal, lalo na sa mga matatandang nag-iisa na lamang sa buhay.
Na-miss niya ang Lola Linda niya na nasa States ngayon para dalawin ang older brother niyang si RD. Pero nanood sa Kia ang Lolo Danny niya, kasama si Daddy
Bae at mga sisters na sina Riza at Angel, na na-late dahil sa sobrang traffic kahit maaga silang umalis ng Sta. Rosa City.
Hindi rin nalimutan ni Alden na kumanta ng mga inspirational songs na hindi rin nawawala sa mga album na ginagawa niya. At siyempre, ang isang portion nito ay dedicated sa AlDub Nation (ADN), ang fans nila ng ka-love team na si Maine Mendoza. Lalong napuno ng tilian ang theatre nang kantahin na niya ang mga kantang malapit sa puso ng fans gaya ng Wish I May at God Game Me You.
Sa pagtatapos ng number ay nagbitaw ng mga kataga si Alden: “Walang maiiwan, walang mang-iiwan, hanggang sa dulo, kami ni Maine.”
Nagpasilip din ng konting abs si Alden sa dance number nila nina Rodjun Cruz at
Ruru Madrid. Tilian ang audience, pero pasilip lamang talaga.
Very special guest ni Alden sina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas at Asia’s Songbird Regine VelasquezAlcasid.
Nagpasalamat si Alden kay Ai Ai na itinuturing na niyang nanay dahil sa very supportive nito. Nag-duet sila sa ilang Aegis song. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Ai Ai na nag-date sina Alden at Maine na hindi naman kinontra ni Alden, kaya tilian pang lalo ang audience.
Kuwento naman ni Regine, simula daw nang makilala niya si Alden ay mabait na at hanggang ngayon na sobrang sikat na ay hindi pa rin nagbabago, humble pa rin. Hindi rin nalimutang ikuwento ni Regine na malaki ang utang na loob nila ng kanyang pamilya kina Alden at Maine.
“Four years ago nang namatay ang tatay ko at naging malungkutin ang Mommy namin. Wala pa noon ang AlDub, hindi namin alam kung paano namin siya pasasayahin. Until one day sabi niya: “Hindi na ako malungkot, naka-move on na ako, dahil sa AlDub.” Sumaya siya sa panonood sa kanila ni Maine sa Eat Bulaga.
Kaya sana huwag kayong magbabago dahil maraming tulad ng Mommy ko na pinasasaya ninyo.”
Nangako naman si Alden na hindinghindi sila magbabago ni Maine at patuloy silang magpapasaya sa mga sumusuporta sa kanila.
Ilang numbers pa ang kinanta ni Alden na sinabayan ng mga nagtayuang audience. Nagpasalamat siya sa mga bossing ng GMA na naroon at nanood, ang big boss nila sa Eat Bulaga na si Mr.
Tony Tuviera, ang kanyang mga kasama sa trabaho at sa mga sponsors ng concert niya gaya ng Master, Daily Motion, McDonald’s Ph, Magnolia Ice Cream Ph, ang presenters ng concert na GMA Records at GMA Network. Hinandugan naman siya ni Ms.
Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President ng GMA Entertainment TV ng lei. Bago natapos ang concert, inanunsiyo na nanguna agad ang Unti I See You Again album ni Alden . Ang concert ay natapos past midnight.
Bago natulog si Alden ay nag-post muna siya ng pasasalamat, sa kanyang Instagram Story, sa lahat ng mga sumuporta at dumalo sa kanyang concert: “Sa lahat po ng naghanda ng concert kayo po ang bida. Salamat po sa inyong lahat. God bless everyone. Goodnight po, mahal na mahal ko kayong lahat, salamat po!”