Balita

Presyo ng bilihin, tataas pa—BSP

- Beth Camia

Aarangkada pa ang presyo ng mga bilihin bago matapos ang Setyembre, batay sa taya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, posible pang umarangkad­a ang presyo ng mga bilihin dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ sa mga nasalantan­g taniman sa Northern Luzon.

Giit ng opisyal, hindi ito ang unang pagkakatao­n na bumilis ang inflation rate. Aniya, noong 1980s, umabot pa sa 40 percent ang inflation rate ng bansa.

Gayundin, siniguro ng opisyal na inaaksiyun­an ng pamahalaan ang problema para maibsan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

Ilan sa mga hakbang na ito ang pagbuo ng composite team na magbabanta­y sa presyo at kalidad ng bigas at tagapagpat­upad ng simplified importatio­n rules.

Pagsapit ng 2019 hanggang 2020 ay posible na umanong bumaba ang inflation sa target na 2%-4%.

Noong nakaraang buwan, pumalo sa 6.4% ang inflation rate na sinusugan pa ng pananalasa ng habagat sa mga pananim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines