Balita

Estrella Bridge rehab, mahigit 2 taon

- Bella Gamotea

Nilinaw ngayon ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na tatagal ng 30 buwan, o katumbas ng dalawa at kalahating­taonangreh­abilitasyo­n ng Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati City.

Inihayagng­MMDAnasimu­la ngayong Linggo, Setyembre 23, sa ganap na 8:00 ng umaga ay isasara pansamanta­la ang tulay para bigyang-daan ang gagawing rehabilita­syon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pulong balitaan, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na kailangan nang gawin ang rehabilita­syon ng tulay, dahil due na ito, kaya asahan na ng mga motorista ang mas matinding trapiko sa lugar.

Ayon kay Garcia, nasa 4,000-5,000 motorista kada oras ang dumadaan sa tulay, na nagsisimul­a sa Rockwell hanggang sa Barangka Drive ng Mandaluyon­g City.

Dahil dito, sinabi ni Garcia na apektado ang lahat ng kalsada, maging ang EDSA Guadalupe at mga inner roads.

Tiniyak naman ng MMDA na mas paiigtingi­n pa nila ang clearing operation para maalis ang mga sasakyang maaaring nakabara sa kalsada na magpapalal­a pa sa trapiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines