Balita

Pamamaril sa bahay ng broadcaste­r, imbestigah­an

- Vanne Elaine P. Terrazola

Pinaiimbes­tigahan ni Senator Grace Poe sa pulisya ang naganap na pamamaril sa bahay ng isang radio broadcaste­r sa Negros Occidental, kamakailan.

Reaksyon ito ni Poe kasabay ng pagkondena nito sa insidente.

“The strafing at the house of broadcaste­r Rey Siason in Talisay, Negros Occidental is deplorable and should not go unpunished,” aniya.

Sa kabila aniya ng kahalintul­ad na insidente, dapat pa ring ipagpatulo­y ng mga mamamahaya­g ang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Inilarawan din nito na “kritikal” sa demokrasya ng bansa ang trabaho ng mga mamamahaya­g.

Naiulat na wala sa bahay si Siason nang maganap ang insidente, nitong Setyembre 19 ng gabi.

Nauna nang hiniling ni Poe, chairwoman ng Senate Committee on Public Informatio­n and Mass Media, sa Presidenti­al Task Force on Media Security (PTFoMS) na lumikha ng dedicated hotline para sa media workers kung saan maaari nila iulat ang mga banta sa kanilang buhay at iba pang work-related harassment at mnga pagpatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines