Balita

‘Paeng’ papasok ngayon sa PAR—PAGASA

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Patuloy na lumalakas ang bagyong may internatio­nal name na ‘Trami’ habang tinatahak nito ang Philippine area of responsibi­lity (PAR), kahapon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), inaasahang papasok sa bansa ngayong Linggo ang naturang bagyo.

Kapag tuluyan nang nakapasok, papangalan­an itong ‘Paeng’.

Kahapon, huling namataan ang bagyo sa layong 2,060 kilometro sa silangan ng Central Luzon, taglay ang lakas ng hanging 75 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 90 kph.

Ito ay kumikilos pakanluran­hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Maapektuha­n nito ang dulong bahagi ng Northern Luzon sa Biyernes (Setyembre 28) kapag hindi magbabago ang direksyon nito.

Binanggit ng PAGASA na posible pang mag-ipon ng lakas ang bagyo habang papalapit sa Batanes at Babuyan Group of Islands sa susunod na linggo.

Inaasahan naman ng ahensiya na makararana­s ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila, Southern Luzon, Eastern at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Caraga, at Northern Mindanao, dahil na rin sa intertropi­cal convergenc­e zone (ITCZ).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines