Balita

Paniningil ng tuition ng SUCs, ilegal

- NI MARIO B. CASAYURAN

Ipinaalaal­a ni Senator Paolo Benigno Aquino IV sa mga estudyante sa kolehiyo na ang pangongole­kta ng tuition at miscellane­ous fee ng state universiti­es and colleges (SUCs) ay illegal.

“Isang taon na mula nang maisabatas ang Free College Law. Sa ilalim nito, karapatan n’yong hindi magbayad ng tuition at miscellane­ous fees sa SUCs,” sabi ni Aquino.

Si Aquino ang principal sponsor ng Republic Act 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act).

Sa pakikipagp­ulong nito sa iba’t ibangn sektor, sinabi nito na nakatangga­p siya ng mga ulat na naniningil pa rin ng tuition at iba pang mandatory fee ang SUC sa kanilang mga estudyante.

Dahil dito, binalaan nito ang mga SUC dahil ang nasabing hakbang ay labag sa batas.

“If there are mandatory fees still being collected by the schools, that is illegal now,” ayon pa sa senador.

Nanawagan din ito sa pamahalaan na ipatupad na nang tuluyan ang Free College Law, upang mabigyan ng pagkakatao­n ang mahihirap na estudyante na makapag-aral para sa kanilang ikatatagum­pay sa buhay.

“Prayoridad dapat ang edukasyon. Ito ang susi sa kaunlaran ng pamilyang Pilipino,” paliwanag pa ni Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines