Gabi mas mahaba na kaysa araw
Halos magkapareho na lamang ang haba ng araw at gabi ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Paglalahad ng PAGASA, magsisimula nang maging mahaba ang gabi habang ang araw naman ay magiging maigsi sa ating bansa.
Paliwanag ng PAGASA, nagaganap lamang ang nasabing autumnal equinox kapag ang araw ay bumaba sa zero degrees at magkakaroon ng 12 na oras ang araw at 12 oras naman sa gabi sa lahat ng sulok ng mundo kaya ang araw at gabi ay magkapareho na ng haba.
Ayon sa ahensiya, madalas itong nagaganap kada Setyembre 22 o 23 kada taon, ngunit sa taong ito, ang nasabing autumnal equinox ay mararamdaman ngayong Linggo.
Ang gabi sa bansa ay magiging mas mahaba na habang gumagalaw ang araw pababa ng celestial equator patungong southern hemisphere.
“Every year, equal lengths of day and night happen twice a year during the vernal and autumnal equinox, on March and September, respectively,” ayon pa sa pahayag ng PAGASA.