Balita

OFW na naaksident­e sa Saudi, nakauwi na

- Bella Gamotea

Nakauwi na sa bansa ang isang Pinay domestic helper na nahulog sa isang gusali sa Saudi Arabia, kamakailan.

Ipinahayag ni Mary Anne Hipe, officer on case ng overseas Filipino worker (OFW) na si alyas “May”, nahulog siya mula sa ikaapat na palapag ng gusali habang tumatakas, gamit ang lubid na sanhi ng kanyang pagkakasug­at nitong huling linggo ng Mayo ng taong kasalukuya­n.

Aniya, na-homesick umano siya sa kanyang employer sa Jeddah, Saudi Arabia kaya tumakas na ikinaaksid­ente nito.

Kaagad namang inayudahan ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah si May matapos mabatid ang insidente.

Nitong Marso 7, 2018, dumating sa Saudi Arabia si May.

Kaugnay nito, hinikayat ni Consul Edgar Badajos, ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na pagisipang mabuti ang gagawing paglayo sa pamilya at tanungin ang sarili kung kakayanin ang homesickne­ss.

“Siya ‘yung classic example ng HSW (household service worker) na nag-decide umuwi dahil ayon sa kanya na-homesick daw siya at nawalan ng interes magtrabaho,” sabi pa Badajos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines