Balita

Obispo, arestado sa rape sa madre

-

KOCHI, India (Reuters) – Arestado ang isang obispo ng Simbahang Katoliko sa katimugang bahagi ng Kerala sa India nitong Biyernes, dahil sa panggagaha­sa umano sa isang madre.

Hunyo nang maghain ng reklamo sa pulisya ang madre, dahil umano sa kawalan ng aksiyon ng Simbahan sa kabila ng paulit-ulit niyang apela.

Una nang itinanggi ni Bishop Franco Mulakkal, pinuno ng diocese sa Jalandhar sa hilagang estado ng Punjab, ang akusasyon, bagamat isang araw bago ang pag-aresto ay tinanggap na ng Vatican ang hiling ng obispo na pansamanta­la siyang bumaba sa puwesto.

Samantala, nangyari ang pag-aresto sa gitna ng tumitindin­g eskandalo ng mga pang-aabuso sa loob ng Simbahang Katolika sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Amerika, Chile, Australia, Germany at iba pang mga bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines