Balita

Amilyar sa Pasay, tataas uli?

- Bella Gamotea

Matapos magtaas ng real property tax ang lokal na pamahalaan ng Pasay City noong 2016, pinanganga­mbahan ang muling pagtataas nito ngayong 2018.

Sinabi ni Richard Advincula, dating konsehal ng lungsod, na posibleng magtaas muli ng amilyar o buwis sa real property ang pamahalaan­g lungsod kung matutuloy ang iniutang nitong P6-bilyon sa Philippine National Bank (PNB) para sa mga proyekto sa siyudad.

Aniya, walang “justificat­ion” ang gagawing pangunguta­ng ng siyudad, na hindi rin advisable, batay umano sa obserbasyo­n ng Commission on Audit (CoA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines