Balita

Oil price, sinisi sa inflation

- Beth Camia

Tahasang isinisi ni Pangulong Duterte sa mataas na presyo ng produktong petrolyo ang paglobo ng inflation rate sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City, Cebu, sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ay hindi nabiyayaan ng langis gaya ng ibang mga bansa, kaya hindi napipigila­n ng Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng langis, na nagbubunso­d ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dagdag ni Duterte, hindi talaga maikakaila na mayroong inflation, pero ang pangunahin­g may kasalanan dito, aniya, ay ang presyo ng gasolina at krudo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines