Balita

Acquital kay Imelda, pinagtibay

- Beth Camia

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng korte na nagpawalan­gsala kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa kaso kaugnay ng sinasabing ilegal na yaman.

Sa desisyon ng 3rd Division ng Korte Suprema, na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, ibinasura ang apela ng yumaong dating Solicitor General Frank Chavez na kumukuwest­iyon sa naging desisyon ni Manila Judge Silvino Pampilo, na hindi mag-inhibit sa kaso.

Marso 2008 nang ilabas ni Pampilo ang desisyon na nagsasabin­g nabigo ang prosekusyo­n na patunayan ang alegasyon ng dollar salting laban kay Marcos, o ang pagdedepos­ito umano ng pamilya Marcos ng $863 million sa isang Swiss bank noong nasa kapangyari­han pa ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines