Balita

Mag-best friend, timbog sa buy-bust

- Orly L. Barcala

Hanggang sa loob ng kulungan ay magkasama pa rin ang dalawang lalaking mag-best friend matapos silang maaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) sina Ricardo Dela Cruz, 39; at Homerto Biazon, 29, kapwa taga-Barangay Dulong Duhat, Malabon.

Kuwento ni Senior Insp. Johnny Baltan, ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Malabon Police, nagkasa sila ng buy-bust operation, dakong 4:00 ng umaga kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Target ng grupo ang magkaibiga­ng sina Biazon at Dela Cruz na matagal nang under surveillan­ce ng mga awtoridad at kilalang mga tulak sa Bgy. Dulong Duhat.

Isa sa mga pulis ang poseur buyer na umiskor ng P1,000 halaga ng shabu sa matalik na magkaibiga­n, at nang iabot na ng mga suspek ang limang plastic sachet ng shabu sa buyer ay inaresto sila ng mga awtoridad.

Inaalam naman ng Malabon Police kung may ibang kaso pang kinasasang­kutan ang mag-best friend.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines