Balita

8 bumabatak sa kalsada, pinagdadak­ma

- Orly L. Barcala

Parang mga daga na nagpulasan ng takbo ang walong katao, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos silang habulin ng mga pulis nang naaktuhan sila umanong nagsasagaw­a ng shabu session sa kalsada sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Arturo Bases, 21, ng Bisugo Street; John Laurence Bajade, 20, ng Bariles Street; Rene Martin, 19, ng M. Naval Street; Gerald Coloso, 30, ng Samson Road, Caloocan City; John Robert Pamintuan, 25, ng Barangay Bangkulasi; Alvin Malasig, ng Bgy. San Jose; at dalawang binatilyo, edad 16 at 17.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 2:00 ng umaga at nagsasagaw­a ng Simultaneo­us Anti-Criminal Law Enforcemen­t Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), Special Reaction Unit-Special Weapon and Tactics (SRU-SWAT), at Station Intelligen­ce Branch (SIB) ng Navotas Police sa loob ng Market 3 Fish Port sa Bgy. NBBN sa lungsod nang napansin ang pagkukumpu­lan ng mga suspek.

Nasa gilid ng kalsada ang mga suspek at nang lapitan ay natuklasan ng mga awtoridad na bumabatak umano ng shabu ang mga ito.

Nang mapansin ng mga suspek ang papalapit na mga pulis ay nagkani-kanyang takbuhan ang mga ito, pero hinabol sila ng mga awtoridad at isa-isang hinuli.

Nakuha umano sa anim na suspek ang tig-iisang plastic sachet na may lamang shabu.

Kinasuhan ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang anim sa mga suspek, habang dinala naman sa holding area ng City Social Welfare and Developmen­t Office (CSWDO) ang dalawang binatilyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines