Balita

R260,000 natangay sa panloloob

- Orly L. Barcala

Nanggagala­iti sa galit ang isang biyudo makaraang tangayin ng mga kawatan ang P260,000 cash na matagal niyang inipon, matapos na pasukin at pagnakawan ang kanyang bahay sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa salaysay ni Danilo Regondola, 58, ng Barangay Marulas, bandang 8:30 ng gabi nang madiskubre niyang nilooban ang kanyang bahay.

Nakita ni Regondola na sira ang doorknob ng kanyang bahay, gayundin ang kanyang plastic drawer, at wala na rin ang wallet niya roon na may P130,000 cash.

Nawawala rin ang iba pang cash ng biktima, gaya ng nakabukod na P50,000, at isa pang wallet na may P80,000.

Ayon kay Regondola, matagal na panahon niyang inipon ang nasabing pera sa pamamasada niya ng tricycle.

Hinala ng pulisya, isa hanggang dalawa katao ang nanloob sa bahay ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines