Balita

Kelot dedo sa resbak ng estudyante

- Mary Ann Santiago

Isang 50-anyos na pedicab operator ang namatay nitong Biyernes ng gabi nang barilin sa ulo ng isang Grade 9 student na binugbog at tinadyakan umano niya noong nakaraang linggo sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot si Rogelio Brozo Lipalam, ng JP Ortega Street, Tondo, habang arestado naman si Jessie Pallega, 18, Grade 9 student ng Abad Santos High School, at taga-C.M. Recto Avenue.

Batay sa ulat ni PO1 Narciso Ignacio, ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2, dakong 8:20 ng gabi nang mangyari ang krimen sa harapan ng isang fast food chain sa Asuncion Street sa Tondo, malapit sa Sto. Niño Church.

Nakaupo sa tabi ng isang kariton ang biktima, kasama ang kanyang asawa, at naghihinta­y sa pagre-remit ng pera ng kanilang mga driver nang lapitan siya at barilin sa ulo ng suspek.

Ayon sa pulisya, posibleng paghihigan­ti ang motibo sa krimen dahil noong nakaraang linggo ay binugbog at tinadyakan umano ng biktima ang estudyante sa hindi malamang dahilan.

Sinabi ng pulisya na nakatangga­p rin sila ng impormasyo­n na posibleng binayaran lang ang estudyante para patayin ang biktima, ngunit iniimbesti­gahan pa nila ito.

Nakapiit na si Pallega, na nakumpiska­han umano ng isang .38 caliber na paltik na may apat na bala, at ginamit umano nito sa pagpatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines