Balita

Ama ng Pangasinan mayor, patay sa ambush

- Liezle Basa Iñigo

ALCALA, Pangasinan Pinagbabar­il ng mga hindi nakikilala­ng lalaki ang ama ng isang alkalde ng Pangasinan sa Barangay sa bayan ng Alcala, kahapon.

Nakilala ang biktima na si incumbent Kaagwad Mario Callejo, 60, ama ni Alcala Mayor Jojo Callejo, ng Bgy. Gualsic, Alcala.

Sinabi ni Chief Insp. Ferdinand Lopez, hepe ng Alcala Police, na nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Dalawang motorsiklo at isang back up na kotse ang nakita sa lugar nang barilin ang biktima mga bandang 3:30 ng umaga," ayok kay Lopez.

Minamaneho ng biktima ang isang Isuzu pick-up patungo sa isang road project upang maginspeks­iyon nang biglang gitgitin ng isang motorsiklo­ng sinasakyan ng dalawang lalaki at pinagbabar­il ito.

Dead on arrival ang biktima sa Sr. Sto. Niño Hospital sa Bayambang, Pangasinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines