Balita

Nakaimbak na imported rice, nabuking sa Ecija

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Daandaang sakong imported na bigas ang nasamsam ng mga tauhan ng tatlong ahensiya ng pamahalaan nang salakayin nila ang ilang rice mill sa Nueva Ecija, kamakailan.

Nadiskubre ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI), National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency (NICA) at Philippine National Police (PNP) ang umano’y illegal rice trade, hoarding at illegal re-bagging ng NFA rice sa limang ricemill sa Sta. Rosa, San Leonardo, at Gapan City.

Kasama rin sa operasyon si NFA provincial manager Genoveva Villar nang salakayin ang AR rice mill sa Malimba, Gapan City kung saan nadiskubre ang 34 na sakong NFA rice, at 200 na sako ng bigas.

Binigla rin ng mga raiding team ang Mirrelli rice mill sa Bgy. La Fuente, Sta. Rosa, kung saan natuklasan ang 126 na sakong bigas na pag-aari ni Greg Maningas.

Nagsagawa rin ng pagsalakay ang nasabing cmposite team sa limang rice mill na pag-aari nina Nolasco Baldazo at Rodolfo Evangelist­a, ng Masagana Sakahang Inc., at CF Aguilar sa Bgy. Sta. Teresita, Brgy. Soledad; at tatlong iba pa sa Bgy. Magpapalay­ok Diversion at San Anton.

Naiulat na dalawa sa nasabing ricemill ay nagtatago ng

imported rice mula sa Thailand, Vietnam, at India na kanilang inangkat sa mababang presyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines