Balita

Crime rate sa CL, bumaba

- Mar T. Supnad

CAMP OLIVAS, Pampanga-Bumaba ang bilang ng krimen sa Gitnang Luzon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Naiulat ni Police Regional Director, Chief Supt. Amador Corpuz, na aabot sa 22.11 posyento ang ibinaba ng crime rate sa lalawigan mula Enero-Agosto ng taon kumpara sa nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Matapos ag pagpupulon­g ng Regional Peace and Order Council, sinabi ni Corpuz na mula sa 34,647 insidenten­g naiulat noong Enero hanggang Agosto 2017, bumaba ang bilang sa 26,987 ngayong 2018.

Sa index crimes, nakapagtal­a ng 27.87% pagbaba ng mga insidente samantalan­g 20.87% naman ang ibinaba ng mga non-index crimes.

Dagdag niya, kapansin-pansin din ang pagbaba sa porsyento ng pito sa walong focus crimes sa lahat ng lalawigan sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines