Balita

Bebot, kulong sa droga

- Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac-Natimbog ng pulisya ang isang 30-anyos na babae na nalulong umano sa ipinagbaba­wal na gamot sa isinagawan­g buy-bust operation sa Barangay Estrada,Capas, Tarlac, kamakailan.

Inihayag ni PO2 Alvin Hulguin, may hawak ng kaso, ng Capas Police Station, hindi na nakapalag ng suspek na si Jinguy Manucduc, ng nasabing barangay nang mahulihan ng isang transparen­t plastic sachet na tumitimban­g ng hindi matiyak na gramo ng shabu.

Bago naaresto si Manucduc ay, ilang beses nang nakatangga­p na report ang pulisya hinggil sa malawakang operasyon nito sa droga.

Nakapiit na ngayon sa Capas Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines