Balita

‘Tulak’ sumuko

- Leandro Alborote

STA. IGNACIA, Tarlac-Ipinasya ng isang umano’y drug pusher na sumuko na lamang sa pulisya upang hindi na malagay sa balag na alanganin ang kanyang buhay sa Sta. Ignacia, Tarlac, kahapon.

Si Jerwin Pascua, 26, ng Bgy. San Vicente ng nabanggit na bayan, ay hindi na nagdalawan­g-isip nang magtungo ito sa himpilan ng Sta. Ignacia police upang isuko ang sarili.

Iniimbesti­gahan pa rin ng pulisya ang kaso upang bago sila gumawa ng hakbang laban kay Pascua na umaming isang tulak ng ipinagbaba­wal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines