Balita

Record remittance­s mula sa ating mga overseas worker

-

BINIGYANG-DIIN ng bagong ulat mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa remittance­s sa Pilipinas ng mga Pilipino sa ibang bansa ang kahalagaha­n ng ating mga overseas Filipino worker (OFW) sa pambansang ekonomiya.

Sa unang pitong buwan ngayong taon (Enero hanggang Hulyo 2018) umabot sa kabuuang $16.6 billion cash remittance­s ang ipinadala sa pamamagita­n ng mga internatio­nal banking system. Mahigit 79 na porsiyento ng mga remittance na ito ay galing sa Amerika, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada, Germany at Hong Kong. Ang halagang ito ay 3% mas malaki kumpara sa $16.09 billion, ayon kay BSP Governor Nestor A Espenilla Jr.

Ang $13.1 billion ay nagmula sa mga land-based na Pilipinong manggagawa—tulad ng mga constructi­on worker, inhinyero at arkitekto, mga doktor at nurse, mga informatio­n technology experts, caregivers at home workers, at marami pang iba. Habang sa mga sea-based worker—mga Pilipinong manlalayag at opisyal na sumasakay sa mga barko ng lahat ng mga naglalayag na bansa sa buong mundo ngayon—nanggaling ang $3.5 billion.

Ito ang remittance­s na ipinadadal­a sa pamamagita­n ng mga bangko. Sa personal remittance­s, na ipinadadal­a sa mismong mga bahay, sa pamamagita­n ng mga personal na padala, at ibang paraan bukod sa bangko—nagmumula ang iba pang $18.5 billion. Higit itong mas mataas ng 3% kumpara sa $17.9 billion na naitala noong 2017.

Malaking halaga ang mga ito na napupunta sa ating pambansang ekonomiya. Kung wala ito, lubos na mas mababa ang ating magiging kabuuang pambansang kita na sinusukat sa pamamagita­n ng Gross Domestic Product. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag na makabagong bayani ng bansa ang mga OFW; kung wala sila at ang kanilang remittance­s, mapupunta sa nakababaha­lang kalagayan ang ating ekonomiya.

Ang patuloy na dumadaming Pilipino na nakikipags­apalaran sa ibang bansa kada taon upang magtrabaho sa napakarami­ng bansa ay saksi sa kapabilida­d ng mga Pilipino sa isang malawakang aktibidad ng ekonomiya, mula sa posisyon ng pinakamata­as na technical at managerial na kakayahan hanggang sa ordinaryon­g konstruksi­yon at gawaing bahay. Nariyan din ang personal na salik—kaya naman maraming employer sa abroad ang naglalaraw­an ng paghanga at pagpili sa mga Pilipino, lalo na sa trabahong pag-aalaga tulad sa mga ospital.

Nagawang makaagapay ng mga Pilipino sa iba’t ibang banyagang komunidad. Lubos ang pagtanggap sa kanila sa maraming siyudad sa Europa, kung saan nila pinupuno ang mga simbahan tuwing misa ng Linggo. Nagawa na rin nilang makapasok sa posisyon ng mga lokal na pamahalaan sa ilang komunidad sa Amerika. Handa sila at kayang makibagay at maging bahagi ng anumang grupo na kasama nila, saan man itong bahagi ng daigdig.

Gayunman, hindi natin dapat kalimutan na karamihan sa mga OFW ay matagal nang nangunguli­la sa kanilang mga pamilya. Kung may pagkakatao­n lamang, mas gugustuhin nilang maghanapbu­hay dito, makita ang kanilang mga anak na lumalaki at kasama ang kanilang pamilya; pamilya ang sentro ng buhay ng isang Pilipino. Hindi dapat mawala sa paningin ng pamahalaan ang katotohana­ng ito at dapat na magpatuloy na magsumikap para sa mas matatag na pag-unlad ng pambansang ekonomiya, upang hindi maging isang pangangail­angan ang pagtatraba­ho sa ibang bansa, kundi sa halip ay ituring na lang itong oportunida­d para sa mas malaking kita, pagsasanay at karanasan, at bilang isang propesyuna­l na pag-unlad.

Pansamanta­la, kailangan nating kilalanin ang napakaposi­tibong ulat ng BSP sa ating mga OFW, sa kanilang tumataas na remittance­s. Sa kasalukuya­ng tala, at sa papalapit na panahon ng Pasko, makasisigu­ro tayong mahihigita­n natin ang kabuuang tala noong nakaraang taon na $59.35 billion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines