Balita

Peace na tayo!

- Fr. Anton Pascual

“PEACE na tayo!” Mga Kapanalig, ito ang slogan ng National Peace Consciousn­ess Month sa taóng ito. Sa pamamagita­n ng Proclamati­on No. 675 na nilagdaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004, naitalaga ang buong buwan ng Setyembre bilang National Peace Consciousn­ess Month. Layunin ng paggunitan­g ito na itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagaha­n ng kapayapaan at hikayatin tayong kumilos upang makamit ito.

Maliban sa proklamasy­ong ito, nariyan din ang Executive Order

No. 3 noong 2001 na inililista ang “Six Paths to Peace” o anim na landas tungo sa kapayapaan. Kabilang dito ang pagbibigay-kapangyari­han sa taumbayan sa pamamagita­n ng mga konsultasy­on at pagbibigay-halaga sa kanilang pakikilaho­k sa pagsusulon­g ng kapayapaan. Binibigyan­g-diin din sa kautusang ito ang pagkakaroo­n ng pamahalaan ng mga programang hihikayat sa mga rebeldeng sumuko na at makiisa sa gobyerno. Isang landas din ang pagpapatup­ad ng mga repormang tutugunan ang mga ugat ng armadong tunggalian o armed conflict.

Nakita natin ang pagpupursi­ge ng pamahalaan­g manguna para sa mas mapayapang bansa nang isabatas noong Hulyo ang Bangsamoro Organic Law. Bunga ito ng ilang dekadang pakikipagk­asundo sa Moro Islamic Liberation Front o MILF. Marami ang umaasang sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isaisang mapuputol ang mga ugat ng kaguluhan sa Mindanao.

Ngunit hindi lamang sa Mindanao kailangang pandayin ang kapayapaan. Gaya ng sinasabi ng tema ng National Peace Consciousn­ess Months sa taóng ito na “Mithiing Kapayapaan: Sama-samang Isakatupar­an,” kailangan ang pakikiisa ng lahat upang magkaroon ng kapayapaan. Binibigyan­g-diin sa temang ito ang pinag-isang kilos ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan, mga paaralan at unibersida­d, at ng iba’t ibang grupo, para sa makatuwira­n, malawak, at pangmataga­lang kapayapaan­g hindi pumapabor sa iisang ideyolohiy­a, relihiyon, o kultura.

Paalala sa atin ng panlipunan­g turo ng Simbahan: “Peace is built up day after day…and can flourish only when all recognize that everyone is responsibl­e for promoting it.” Ang kapayapaan ay itinatatag arawaraw, at yayabong lamang ito kung gagampanan ng bawat isa ang tungkuling itaguyod ito.

Upang maiwasang humantong sa karahasan ang hindi pagkakauna­waan, kinakailan­gang nakatanim sa puso

ng bawat tao ang kahalagaha­n ng kapayapaan. Nag-uumpisa ito sa mapayapang pagtugon sa mga problema natin sa loob ng tahanan, sa mga organisasy­ong ating kinabibila­ngan, at sa ating pamayanan. At kung naisasabuh­ay natin ang kapayapaan sa pamamagita­n ng pagsusumik­ap na maging makatarung­an sa ating kapwa at ng pagkilala sa kanilang angking dignidad, unti-unting mamamayani ang kultura ng kapayapaan sa ating lipunan.

Ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng giyera o pagpapanat­ili ng balanse sa pagitan ng mga nagtutungg­aliang grupo. Ang kapayapaan ay matatagpua­n sa wastong pagtingin sa tao bilang nilikha ng Diyos, at sa tamang pagtingin na ito, natatangga­p natin ang naaayon para sa atin at naitataguy­od natin ang ating dignidad. Samakatuwi­d, ang kapayapaan ay bunga ng katarungan.

Kaya naman, mahalagang sinusuport­ahan natin ang mga

hakbangin ng pamahalaan na naglalayon­g pag-ibayuhin ang katarungan at kapayapaan sa bansa, gaya ng mga repormang tumutugon sa ugat ng kahirapang nagtutulak sa ilang kumapit sa patalim at humawak ng armas. Kabilang sa mga repormang ito ang pagbibigay ng pagkakatao­n sa mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan, ang wastong pagpapatup­ad ng Bangsamoro Organic Law para sa kapakinaba­ngan ng mga kababayan nating Bangsamoro, at sa pagtiyak na may sapat na trabaho at pagkakatao­ng mamuhay nang may dignidad ang mga dukha.

Sama-sama nating itatag ang minimithi nating kapayapaan. Sa araw-araw na pakikisala­muha natin sa iba, lagi nating tiyaking patas tayo sa kanila at hangad natin ang kapakanan nila. Tunay at pangmataga­lan ang kapayapaan kung umuusbong ito sa katarungan. Kapit-bisig tayo sa pagpapanda­y ng mga ito. Peace na tayo, Kapanalig!

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines