Balita

Luigi ‘napalaban’ kay Assunta

- Nora V. Calderon

MEDYO hindi kumportabl­e si Luigi Revilla nang humarap siya sa entertainm­ent media sa solo presscon ng episode niyang “Amats” sa trilogy movie ng Imus Production­s, ang Tres.

Ito ang hudyat sa pagbabalik-production ng movie company ng mag-ama at kapwa dating senador na sina Ramon Revilla Sr. at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sa pelikula ng Imus Production­s na Tres ay magbibida ang tatlong anak ni ex-Sen. Bong na sina Bryan, Jolo, at Luigi. Bida si Bryan sa “Virgo” episode, si Jolo sa “72 Hours”, at si Luigi nga sa “Amats”.

Si Dondon Santos ang nagdirek kina Jolo at Luigi, habang si Richard Somes naman kay Bryan.

Matagal-tagal din kasing nawala sa showbiz si Luigi, kaya siguro ganoon ang initial reaction niya sa entertainm­ent press. Pero later on, masaya na siyang nakipagbir­uan, lalo na nang tanungin kung sino ang leading lady niya sa movie. Halatang medyo nailang si Luigi, dalawa pala kasi ang leading ladies niya, sina Assunta de Rossi at Myrtle Sarroza.

“Si Myrtle po ang love ko sa story, pero si Assunta ang naka-affair ko,” kuwento ni Luigi.

“Siya (Assunta) po ang tumulong at kumupkop sa akin, pero binigyan niya ako ng drugs.

“Nagulat po ako nang first scene namin together ay love scene agad. Napalaban po ako sa eksena naming iyon, dahil sa story ay virgin daw ako. First time ko lang ginawa, kaya si Assunta po ang mas aggressive sa aming dalawa. After ng scene, nag-sorry pa siya sa akin.”

Ikinuwento rin ni Luigi na alam daw niyang naka-love scene din ng Papa niya noon si Assunta, kaya naman nang nakausap niya ang ama ay nagbiro ito na tinawagan daw si Direk Dondon at sinabing bigyan si Luigi ng love scene nang malamang katambal niya si Assunta.

“Fan po ako noon ni Assunta, at nang maging cover siya ng FHM magazine, bumili ako ng copy nito. Sino magsasabi na ngayon, katambal ko na siya sa movie at naka-love scene ko pa?” sabi ni Luigi. “Mabait po siya at nagbigay din siya ng pointers sa akin sa mga eksenang ginawa namin.”

First time pala ito na magbibida si Luigi sa movie, kaya talagang na-excite siya nang magsimula na silang mag-shooting. Sa ngayon, busy sila ng mga kuya niya sa pagpo-promote ng Tres, na showing na sa October 3 in cinemas nationwide. Mayroon silang red carpet premiere night sa October 1, sa SM Megamall Cinema 1.

 ??  ?? Jolo, Luigi at Bryan
Jolo, Luigi at Bryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines