Reunion movie nina Aga at Lea, ‘di matuluy-tuloy
DALAWANG malalaking pelikula ang naka-line-up na gawin ni Aga Muhlach
para sa Star Cinema, at isa sa mga ito ay ang balik-tambalan nila ni Lea Salonga.
Huling natambal sa pelikula sina Aga at Lea 23 years ago sa Sana Maulit Muli.
Kapwa naging matagumpay ang dalawa sa kanilang respective careers. Mula sa pagiging heartthrob ay kinilala si Aga bilang isa sa mahuhusay na aktor ng ating henerasyon. After a long absence sa puting tabing ay nag-comeback ang actor last year sa Seven Sundays.
Sa October 17 ay balikpelikula si Aga sa First Love, with Bea Alonzo, sa direksiyon ni Paul Soriano.
Samantala, conflict of schedules ang nakikitang dahilan kung bakit urongsulong ang reunion movie nina Aga at Lea. Halos sa Amerika na kasi namirmihan si Lea sapul maging isang international star siya sa Broadway. Gayunman, excited din si Lea na muli silang magkasama ni Aga sa pelikula.