Balita

Megan, proud sa kapatid na si Lauren

- Ni MERCY LEJARDE

SINCE nasa press set visit kami nitong Miyerkules ng hapon sa taping ng The Step Daughters ay kinumusta namin ang isa sa mga bida ng Kapuso afternoon drama series, si Megan Young, na napansin naming pumayat.

“Parang hindi naman nagbago ang katawan ko. Parang fit lang. Gusto ko ‘yung fit lang ang katawan ko. And laging nagwo-work out.Wala naman akong eating disorder,” sabi ni Megan.

Inamin niyang sobra ang tuwa niya na umabot ng more than ten months ang The Step Daughters. “Sobrang saya namin. Eto ‘yung pinakamasa­yang shownanaga­wakosofar.Imean,masayadinn­aman ‘yung ibang nagawa ko na. Pero ito, kasi, from beginning to end, wala kaming naging problema. And you know, everyone’s just nice and happy.” Eight years na ang relasyon ni Megan kay Mikael Daez, na inamin niyang longest relationsh­ip niya.

“Yes, si Mikael ang my longest relationsh­ip. And I hope it will stay that way,” sabi ni Megan.

So, naniniwala ba siya na long engagement is better than short engagement?

“Hindi naman. Ako, whatever flows your boat. ‘Yung iba gusto nila short engagement, ‘yung iba gusto ng long engagement. Ako naman go with the flow. Hindi naman ako ‘yung traditiona­l na dream girl who likes grand things. Basta ako, kahit simple lang.”

Hindi ba selosa si Megan?

“Hindi ako selosa. Hindi rin naman ako mahilig sa jewelries, like ‘yung mga ganung bagay,” sabi pa niya.

Ibinalita rin ni Megan na masayang-masaya siya na napasama ang kapatid niyang si Lauren Young sa Kdrama na Where Stars Land with Korean stars sa major network na SBS sa South Korea. It is something new raw para sa isang Filipino celebrity, at makakasama rin ni Lauren ang isa pang Pinoy na si Ejay Falcon.

Dahil 2013 Miss World si Megan, may posibleng matulad siya sa naging kapalaran ni Kris Aquino, na gumawa ng Hollywood film.

“I guess so. I mean, if things like that will happen it’s either sobrang suwertehin ka, katulad ni Ms. Kris, na naging suwerte. And it was an opportunit­y given to her or katulad ni Lauren na nakuha nga sa South Korean drama. Suwertihan lang talaga ang buhay, whether sa career or lovelife mo,” magandang paliwanag ni Megan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines