Balita

Yassi, ayaw munang mag-BF

- Nora V. Calderon

MOVIE adaptation pala ang Para Sa Mga Broken Hearted mula sa best-selling book ng kilalang “hugot novelist” na si Marcelo Santos III. Tampok sa movie ang limang Viva Films talents na sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes, Sam Concepcion, at Marco

Gumabao, sa direksiyon ni Digo Ricio.

Sa pelikula, isa-isang ilalahad ang story ng bawat isa sa kanila; kung paano sila na-in love na nauwi sa hiwalayan. Paano magkokonek ang buhay nilang lima sa pagkakaroo­n nila ng broken hearts, at paano nila matatangga­p ang kanilang iisang sitwasyon para tuluyan na silang makapag-move on.

Si Yassi ay si Shalee, isang bubbly photograph­y enthusiast na may heart ailment. Gusto ni Shalee si Alex (Sam) simula pa noong mga bata sila. Pero may ibang gusto si Alex, si Kath (Louise).

Broken hearted ba ngayon ang limang bida ng Para Sa Mga Broken Hearted?

Inamin ni Yassi sa mediacon kamakailan na na-heartbroke­n na siya, pero matagal na raw iyon, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bagong lovelife. Si Sef Cadayona pa rin pala ang last niyang naging boyfriend, na ayon sa kanya ay nahirapan siyang kalimutan kaagad.

Pero nilinaw ni Yassi na naka-move on na siya ngayon kay Sef, talaga lang daw ayaw muna niyang mag-boyfriend sa ngayon.

“Ayaw ko po muna talaga, dahil priority ko pa rin ang career at family ko,” sabi ni Yassi. “Kung minsan nga po nawawalan na rin ako ng time sa family ko kapag sunud-sunod ang taping at shootings na ginagawa ko. Happy po naman ako kung ano ako ngayon, hindi rin ako nage-entertain ng suitors, para hindi po ako talaga maguluhan.”

Kinumpirma rin ni Yassi na hindi nanligaw o nanliligaw sa kanya ang katambal niya sa FPJ’s

Ang Probinsyan­o na si Coco Martin. Hanggang sa teleserye lang daw talaga ang relasyon nila. Sa October 3 ang showing ng Para Sa Broken

Hearted in cinemas nationwide, at may red carpet premiere night sila sa October 2, sa SM Megamall Cinema 7.

 ??  ?? Yassi
Yassi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines