Balita

Rihanna, bagong Ambassador ng Barbados

-

INATASAN si Rihanna na maging Ambassador ng kanyang home country para i-promot ang investment at turismo sa bansa. Inihayag ni Prime Minister Mia Amor Mottley na si Rihanna

— tunay na pangalan ay Robyn Rihanna Fenty

— ay sakto sa titulong ambassador dahil siya ay “extraordin­ary and plenipoten­tiary”.

Magiging in charge ang Bitch Better Have My Money singer sa pagpapalag­o ng investment sa bansa, gayundin ang pag-aangat ng edukayon at turismo. “I couldn’t be more proud to take on such a prestigiou­s title in my home country. Every Barbadian is going to have to play their role in this current effort, and I’m ready and excited to take on the responsibi­lity,” sabi ni Rihanna nitong Huwebes. Lumaki si Rihanna, 30, sa isang sa “troubled home” sa Barbados at nagsimulan­g sumikat makaraan niyang bisitahin si US producer Evan Rogers at madiskubre nito ang angkin niyang talento. Mula nang sumikat ang singer ay nanirahan na siya sa Los Angeles at New York, at nakasungki­t na ng 14 na number-one singles sa US Billboard chart.

 ??  ?? Rihanna
Rihanna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines