Balita

Susunod na James Bond film ididirehe ni Cary Joji Fukunaga

-

IDIDIREHE ni Cary Joji Fukunaga, ang American director na nasa likod ng unang season U.S. drama na True Detective at Netflix comedy na Maniac, ang susunod na James Bond film, sinabi nitong Huwebes ng 007 producers.

Pinalitan ni Fukunaga, 41, ang British director na si Danny Boyle, na naalis sa nasabing pelikula nitong nakaraang taon dahil sa “creative difference­s”.

Ang filming ng ika-25 Bond movie ay sisimulan sa Pinewood studios sa Britain sa March 2019, at nakatakdan­g ilabas ang naturang pelikula sa February 14, 2020, na mas tumagal nang tatlong buwan kaysa orihinal na due date ng pagpapalab­as noong si Boyle pa ang direktor.

Ang Bond franchise ang isa sa pinakakumi­tang pelikula sa buong mundo, dahil sa $880 million tinabo ng Spectre noong 2015, sa direksiyon ni Sam Mendes, at Skyfall

noong 2012, na idinirihe rin ni Mendes, at kumita ng halos $1 billion buong mundo.

Inilarawan ng mga producer na sina Michael G. Wilson at Barbara Broccoli ang kanilang bagong direktor: “His versatilit­y and innovation make him an excellent choice for our next James Bond adventure.”

Idinirehe ni Fukunaga ang 2015 war film na Beasts of No Nation, na pinagbidah­an ni Idris Elba.

Ididirehe naman niya nagayon ang Bond star na si Daniel Craig, na ikalimang pagkakatao­n nang gaganap bilang Bond. Una nang sinabi ni Daniel na ito na ang huli niya ng pagganap bilang ang maalamat na secret agent, na nilikha ng awtor na si Ian Fleming noong 1953.

 ??  ?? Cary
Cary

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines