Balita

Kamandag

- R.V. VILLANUEVA

Ika-37 labas

ISA na namang kababalagh­an ang nangyari sa pagpapalin­is ni Nena sa property na nabili nila. Ang trabahong sa taya nila ay matatapos hanggang tanghali lamang ay inabot pa ng maghapon na hindi pa nayari.

Sa tingin ni Nena, gayong kay bilis ng trabaho, hindi yata lumalaki ang bahaging nalilinis at hindi yata nababawasa­n ang bahaging hindi pa nahahawan.

Nang gabing iyon, naging paksa na naman ng pag-uusap ng magasawang Fermin at Nena ang loteng ipinalilin­is.

“Ang inasahan ko’y tapos na ‘yon. Nakausap ko ang isa sa kanila,” sabi ni Fermin.

“’Yon ang kataka-taka,”ani Nena. May gusto pa siyang sabihin pero hanggang doon lang ang kanyang nasabi.

“Wala naman sigurong katakataka,” kaswal na si=abi ni Fermin.

‘Mali talaga siguro ang tant’ya n’yo o napabagal ang trabaho nila.”

“Sa palagay ko’y may ibang dahlia,”ani Nena.

“O baka naman iniisip mong lumalaki at lumuluwang ang lote natin?”

Tinawanan ni Fermin ang sinabi. Aywan kung bakit kaybilis ng sagot ni Nena. “’Yan... a‘yan nga.’

Kunot na kunot ang noo ni Fermin. “Naiintindi­han mo ba, Love... ang isinagot mo?”

“May kung ano talagang hiwaga sa loteng iyon, Fermin.”

parang may inis o hinanakit sa boses ni Fermn: “Please lang, Nena... puwede kayang tigilan mo na lang ang pagbabasa mo ng mga horror stories. Please...”

Ang sakit mo namang magsalita, ibig niyang sabihin pero hindi na lang nya sinabi. Inirapan na lang niya ang kanyang asawa. Nahahalata yata ni Fermin nagalit siya, anito: “Ang laki pala ng suwerte natin sa luap na ‘yon.”

“Bakit naman?” may inis pa rin sa boses ni Nena.

“Abe’y isipan mong mabili natin ‘yan sa napakamura­ng halaga. At ngayon naman, lumalaki pala ‘yan at lumuluwang. Sana, bago matapos ang paglilinis natin, abutin man lang ‘yan ng isang hektarya.” malakas ang ibinuntot na tawa.

Umungol at nagdilim ang mukha ni Nena katunayang hindi niya tinanggap ang biro ni Fermin.

Seryoso na si Fermin. “Bukas sasama na ‘ko sa paglilinis. Tena, tulog na tayo.”

Tulad ng inasahan, kinabukasa­n, kasama na nga ang mag-asawang Fermin at Nena para ituloy ang paglilinis ng property. masaya ang lahat na parang pupunta sa isang piknikan. Nahawa yata ng saya si Nena dahil nagkakanta­han ang lahat kahit mga sintunado ang boses sa pangunguna ni Fermin.

Nang dumating sa lote, napag-usapan uli ang tungkol sa lote at sa paglilinis doon. Isa-isa’y nagsabi na may dapat nga yatang pagtakhan. Isa-isang sumangayon na lumalaki nga yata ang lugar na nililinis nila. Sabi nga ni Fermin: Gusto lang siguro n’yo na bumusan ko pa kayo. Ibig pa ring sumagot ni Nena: Totoo ang sinasabi nila.

Tumulong na si Fermin. Sa pagsisimul­a, si Fermin mismo ang nagsabi: “Ako ang titiyak na hindi na tayo aabutin ng maghapon.”

Medyo mainit na ang araw dahil mag-aalas nuebe ng umaga.

Nagkakanlo­ng si Nena sa isang malago pero maliit na puno. Patuloy naman ang trabaho ng mga lalaki kasama na si Fermin.

Nang bigla, nanlaki ang mga mata ni Nena!

Nakatingin siya ngayon sa may gatre ng kanilang lote. Naroon, nakatayo, mismong sa may likuran ng dyip nila ang babaeng nakita na niya noon. At sa pagkakatao­ng ito, parang nanglaki ang kanyang ulo at nanayo ang lahat ng kanyang mga balahibo!

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines