Balita

Nagkunwari­ng na-kidnap para tumoma

-

“Kidnapping­prankgonew­rong.” Kulong sa loob ng 16 na linggo ang isang lalaki, matapos nitong magsinunga­ling at sabihin sa kanyang buntis na nobya na na-kidnap siya, pero ang totoy nakipag-inuman lang siya sa kanyang mga kaibigan.

Sa ulat, tinawagan umano ni Leigh Ford, residente ng Blackpool, England ang kanyang kasintahan­g buntis at sinabing dinukot siya at ito-torture kung hindi isasalin ng kanyang nobya ang lahat ng pera nito sa bank account ng kidnapper.

Bagamat hindi naniwala noong una ang babae, dahil sa takot na boses ng nobyo ay napilitan ang babae na sundin ang hiling ng mga “kidnapper”, saka humingi ng tulong sa mga pulis.

Dahil dito, agad rumesponde ang isang helicopter at isang trained hostage negotiator, ngunit hundi na umano muling tumawag ang “kidnapper” hanggang sa kinaumagah­an ay umuwi si Ford na ‘tila walang nangyari.

Agad na pinagpaliw­anag ng mga pulis si Ford hanggang sa nalaman ang tunay na nangyari, at inaresto ang lalaki sa “wasting police time and resources” para sa isang “unnecessar­y 24h rescue operation.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines