Balita

Jet ski, ginawang motorsiklo

-

Ibinahagi ng isang babae sa Florida ang video ng isang lalaki na sakay sa jet ski habang dumadaan sa kalsada.

Sa ipinost na video ni Beth Porter sa social media, makikita ang isang lalaki na nagmamaneh­o ng kanyang converted jet ski habang dumaraan sa highway ng Jacksonvil­le.

“That goes in water!” maririnig na boses sa video.

Kinumpirma naman ng pulisya na legal ang sasakyan bagamat dapat na sa tubig ito ginagamit.

“They can do that. That is legal as long as it is a road-legal vehicle. It still needs to have the tail light visible,” pahayag ni Florida Highway Patrol Master Sgt. Dylan Bryan.

Agad namang nagtungo sa istasyon ng pulis ang rider ng jet ski na si Trey Yarbrough, matapos magviral ang video para kumpirmahi­n na ang kanyang “89 Honda Elite scooter” ay may plaka at brake light.

“It is a street legal 89 Honda Elite scooter and has an integrated tail light that works,” ani Yarbrough. “The state Department of Transporta­tion “also approved my headlight.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines