Balita

Labanang magkapatid sa PBA

- Ni MARIVIC AWITAN

TUMATAG sa kapit nila sa ikalawang puwesto at manatiling malinis ang marka ang tatangkain ng Magnolia sa pagharap kontra Phoenix sa unang laro ngayong hapon ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Hawak ang barahang 2-0 kasunod ng namumunong Blackwater (4-0), sisikapin ng Hotshot's na maiposte ang ikatlong sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Fuel Masters ganap na 4:30 ng hapon.

Ngayon lamang ulit sasalang ang Hotshots matapos ang mahigit 20 araw na break mula ng maitala ang ikalawa nilang panalo noong Setyembre 1 kontra Northport (104-87) habang galing naman ang Phoenix (4-1) sa back-to-back wins, pinakahuli noong Miyerkules kontra Meralco Bolts(96-86).

Sa tampok na laban, magkabalig­tad ng kapalaran sa nakaraan nilang laban noong Biyernes, magtutuos sa unang pagkakatao­n makaraan ang naging duwelo nila noong nakalipas na Commission­ers Cup finals ang Barangay Ginebra at San Miguel ngayong 6:45 ng gabi.

Sisikaping bumawi ng Kings (3-1) sa unang kabiguang nalasap sa kamay ng Blackwater (118-124) habang tatangkain ng Beermen (2-1) na makamit ang ikatlong tagumpay kasunod ng 143-119 paggapi sa Columbian Dyip.

Umaasa si Beermen coach Leo Austria na magagawa na ng kanyang koponang makapaglar­o ng maayos na depensa na lubha nyang ipinanglul­umo sa kabila ng naitalang panalo sa nakaraan nilang laro.

"I'm happy that we won the game but I'm sad because we're not playing good defense," ani Austria na tinutukoy ang 66 na puntos na iniskor ng Elite kontra sa kanila sa first half.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines