Balita

La Salle vs UE sa UAAP Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center)

- Marivic Awitan

MANATILING nakadikit sa nangingiba­baw ang hangad ng mga koponang University of the Philippine­s, Far Eastern University at De La Salle sa muli nilang pagsalang ngayong hapon sa nakatakdan­g double header ng UAAP Season 81 men's basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Magkakasal­o ang tatlo sa patas na markang 1-1. Katabla nila ang defending champion Ateneo, season host National University at University of Santo Tomas na nakatakda namang maglaro kahapon sa Araneta Coliseum.

Kapwa galing sa kabiguan sa ikalawa nilang laban, parehas na magkukumah­og na makabalik sa win column ang Fighting Maroons at ang Tamaraws sa kanilang pagtututos ganap na 2:00 ng hapon.

Pagkatapos durugin ang University of the East noong opening, nabigo ang Maroons sa sumunod nilang laban kontra Ateneo Blue Eagles habang sinilat naman ng UST Tigers ang Tamaraws pagkaraang ipanalo ang una nilang laban kontra La Salle.

sa tampok na laro, nakabalikw­as sa unang kabiguan sa kamay ng Tamaraws matapos igupo ang Bulldogs noong nakaraang Miyerkules, tatangkain namang tudlain ng Green Archers ang ikalawang dikit nilang panalo sa psgtutuos nila ng winless pa ring UE sa huling laro ngayong 4:00 ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines