J Store, nanaig sa PNP
DUMAAN muna sa butas ng karayom ang J Store bago naungusan ang multi-titled Philippine National Police (PNP) chess team, 4-4, 5-4, para masikwat ang 2018 PNP friendly chess team match kamakailan sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.
Pinangunahan nina National Master Romeo Alcodia at John Lee Antonio ang J Store, isang online shopping at retails store na nakabase sa Valenzeula City sa krusyal na panalo.
Ginapi ni Alcodia, dating pambato ng Barangay Malamig Rizal Technological University (RTU) Chess Team, si Leandro Macasinag sa kanilang Sicilian skirmish sa Board 3 habang si Antonio, isang empleyado ng Rustan Supermarket ay nanaig kay Jerry Tolentino sa isa pang Sicilian encounter sa Board 4.
Rumagasa din sa panalo si Engr. Benjamin "Benjie" Esquejo, ang first-leg winner ng Philippine Executives Chess Association (PECA) Alphaland National Executive Chess Championships kasama sina John Michael Lomboy at team captain Jason Rojo sa boards six, seven at nine, ayon sa pagkakasunod.
Diniskaril ni Esquejo si Christopher Muego, nakaungos si Lomboy kay Alfred Arturo habang panalo si Rojo kay Macwaine Molina.
Ang PNP chess team playing na nasa gabay nina coaches Jomar "Joms" Mendoza Pascua at Renato "Buboy" Abalos ay umasa sa tagumpay nina 1995 Philippine Junior Champion National Master Rolando Andador, National Master Ali Branzuela, Danilo Tiempo at Demetrio Laroya na nagwagi sa kani-kanilang laro sa boards one, two, five at eight.
Panalo si Andador kay Jerome Villanueva, nakaungos si Branzuela kay Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr., ginulat ni Tiempo si Genghis Katipunan Imperial habang namayani naman si Laroya kay Leonard Cabreros.