Balita

Barangay assembly campaign, idaan sa FB

- Jun Fabon

Nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo M. Año sa mga opisyal ng barangay na gamitin ang social media upang himukin ang kanikanila­ng nasasakupa­n na makiisa sa Barangay Assembly sa 42,044 na barangay sa bansa, sa Oktubre 14, 2018.

Aniya, maaaring gamitin ang Facebook at Twitter upang ipaalam at ipaalala sa mga residente ang tungkol sa naturang aktibidad.

Pinayuhan din ni Año ang publiko na dumalo sa Barangay Assembly bilang kanilang “right and responsibi­lity”.

Nilinaw ng kalihim na ang pagdaraos ng Barangay Assembly ay alinsunod sa Local Government Code (RA 7160) at dapat na isagawa dalawang beses kada taon bilang “semestral report” sa mga naging aktibidad, gastusin, at suliranin ng barangay.

Nagbabala rin si Año na ang kabiguan na magsagawa ng Barangay Assembly ay maaaring magresulta sa kasong administra­tibo, na puwedeng ihain ng concerned citizen o ng government­al o non-government­al entity sa Sanggunian­g Panlungsod o Sanggunian­g Bayan o sa Office of the Ombudsan.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? Nagprotest­a kahapon ang grupo ng mga Lumad sa Katipunan Avenue sa Quezon City, bilang follow-up protest kaugnay ng ika46 na anibersary­o ng deklarasyo­n ng martial law nitong Biyernes. Inirerekla­mo rin ng mga Lumad ang “indifferen­ce” umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang grupo.
ALVIN KASIBAN Nagprotest­a kahapon ang grupo ng mga Lumad sa Katipunan Avenue sa Quezon City, bilang follow-up protest kaugnay ng ika46 na anibersary­o ng deklarasyo­n ng martial law nitong Biyernes. Inirerekla­mo rin ng mga Lumad ang “indifferen­ce” umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang grupo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines