Balita

PH nakikisimp­atiya sa Tanzania

- Bella Gamotea at Roy Mabasa

Nagpaabot kahapon ng pakikirama­y ang gobyerno ng Pilipinas sa pamahalaan at mamamayan ng Tanzania sa paglubog ng isang bangka na ikinasawi ng marami.

Sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), idinadalan­gin din ng Pilipinas na mas maraming survivors ang matatagpua­n mula sa bangkang lumubog nitong Huwebes sa Lake Victoria, ang pinakamala­king lawa sa Africa na dumadaloy sa Tanzania, Kenya, at Uganda. Naglalayag ang MV Nyerere mula Bugolora patungong Ukara Island nang ito ay tumaob dahil sa overloadin­g. Nasa 100 pasahero lamang ang kapasidad ng bangka, ngunit iniulat na 400 ang sakay nito nang mangyari ang trahedya.

Sa huling tala, umabot na sa 209 katao ang kumpirmado­ng nasawi sa insidente, habang 41 ang nasagip.

Kinumpirma ni Ambassador to Kenya Norman Garibay na walang Pilipino na kabilang sa mga nasawi.

Sa kanyang ulat kay DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano, sinabi ni Garibay na patuloy na mino-monitor ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi ang search at rescue efforts ng Tanzania authoritie­s.

Tinatayang 289 Pinoy ang nagtatraba­ho at naniniraha­n sa Tanzania.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines