Balita

Destab plot ng oposisyon ilalabas ni Digong

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na naghihinta­y lamang siya ng tamang pagkakatao­n bago niya ilalabas sa publiko ang impormasyo­n na nag-uugnay kay Senador Antonio Trillanes IV, sa Liberal Party, at Communist Party of the Philippine­s (CPP) sa pamumuno ni Jose Maria “Joma” Sison, at kanilang plano na pabagsakin ang gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa Cebu, binalaan ni Duterte ang mga tao na huwag maniwala sa mga maling tao, o sa mga nagnanais na guluhin ang gobyerno.

Ibinunyag ng Pangulo na ipinakikit­a ng impormasyo­n mula sa intelligen­ce community na mga parehong tao pa rin ang nagtatangk­ang sirain ang mga pagsisikap ng administra­syon na umunlad ang bansa.

“Sa gawas sa Intelligen­ce, sila gyapon. Communist Party of the Philippine­s, Trillanes, dilaw. (Sa inilabas na Intelligen­ce ipinakikit­a na sila pa rin. Ang Communist Party of the Philippine­s, si Trillanes, at ang mga dilawan),” aniya.

“Ipagawas ko na. I-timing lang nako. Naabot na sa amo. Gi-drawing na na daan (Ilalabas ko. Naghihinta­y lang ako ng tamang oras. Ngunit nakarating na sa akin. Naplano na nila),” dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines