Balita

Sinibak na kagawad, tiklo sa droga

- Mary Ann Santiago

Naaresto ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang isang barangay secretary sa Pasig City, na itinuturin­g na high value target (HVT), sa operasyon ng pulisya sa kanyang bahay sa lungsod, nitong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng EPD, na pinamumunu­an ni Chief Supt. Bernabe Balba, nabatid na dakong 8:00 ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan si Nilo Alvarez, nasa hustong gulang, secretary ng Barangay Kalawaan, Pasig, sa kanyang bahay sa Sampaguita Street.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte para sa illegal possession of firearms, sinalakay at hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Alvarez.

Kaagad namang dinakip ang suspek nang masamsam umano ng mga awtoridad sa kanyang bahay ang transparen­t plastic tube na may lamang tatlong medium-sized plastic heat-sealed sachet ng shabu, na may timbang na 13 gramo, at nagkakahal­aga ng P40,000.

Sa imbestigas­yon, natukoy ng EPD na si Alvarez ay dating kagawad sa lugar ngunit nagpositib­o sa paggamit ng ilegal na droga sa surprise random drug test ng pamahalaan­g lungsod, kaya nasuspinde sa serbisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines