Balita

27 babae, na-rescue sa Malaysia

- Bella Gamotea

Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga sex traffickin­g syndicate na gumagamit ng social media para mag-alok ng magandang trabaho, partikular sa Malaysia at Singapore.

Ang panawagan ng DFA ay kasunod ng pagkakalig­tas ng Embahada ng Pilipinas at Malaysian authoritie­s sa 27 Pinay, na nabiktima ng sex trafficker­s na nag-o-operate sa Johor Bahru, Malaysia, nitong Agosto 15 at iniulat na nakauwi na sa Pilipinas.

Nabatid na isang oras lang ang biyahe mula sa nasabing lugar patungo naman sa Singapore.

Kaugnay nito, pinaalalah­anan ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Pinoy na pagisipang mabuti bago mag-apply sa mga trabaho sa ibang bansa na iniaalok online, at kalaunan ay nabibiktim­a lang ng mga sindikato.

Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, sa gitna ng police operation ay inaresto rin ng mga awtoridad ang caretaker na Pilipino, na kalaunan ay pinalaya rin.

Sa panayam ng embahada at ng Philippine National PoliceWome­n and Children Protection Desk (PNP-WCPD) sa 27 Pinay, sinabi ng mga ito na ibinebenta sila sa Malaysia at Singapore sa apat na batch simula nitong Hunyo at Hulyo matapos silang ma-recruit bilang promodizer­s ng alak sa apat na establisim­iyento sa Singapore, at may kasamang komisyon. subalit nasadlak sila sa prostitusy­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines