Balita

Nabuntis, nagreklamo

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Naghain ng reklamo sa pulisya ang isang dalaga matapos umano itong abandonahi­n ng isang pamilyadon­g lalaki makaraang matuklasan ang pagbubunti­s nito sa Barangay San Isidro, Tarlac City, kamakailan.

Partikular na inireklamo ng babae, residente ng Bgy. San Isidro, sa Women and Children’s Desk ng Tarlac City Police, si Jonathan Mendoza, 29, ng Bgy. San Rafael, ng nabanggit na lungsod.

Nag-ugat, aniya, ang lahat nang magkakilal­a sila ni Mendoza, noong Disyembre 12, 2017 hanggang sa mabuntis siya noong Marso ng kasalukuya­ng taon.

Isinalaysa­y ng babae sa pulisya na hindi na umano siya binibisita ni Mendoza simula nang malaman nitong buntis siya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines