Balita

Monsour time-out muna sa pulitika

- Ni REMY UMEREZ

BALIK-PELIKULA ang former action star at congressma­n na ngayon na si Monsour del Rosario sa The Trigonal.

Huli siyang napanood sa Tatlong Baraha noong 2004. Sa loob ng mahigit na isang dekada ay uminog ang mundo ni Monsour sa kanyang pamilya at sa pulitika bilang kinatawan ng Makati City.

Madalas ipalabas ang mga action films ni Monsour sa cable TV, tulad ng Bangis at Pintado at inamin niyang nami-miss niya ang paggawa ng pelikula.

Kaya naman nang ialok sa kanya ang The Trigonal ay hindi na siya nagpatumpi­ktumpik pa.

“It is a breather and at the same time I want to satisfy my passion,” sabi ni Monsour. Kasama niya sa cast sina Rhian Ramos, Epi Quizon at ang Taekwondo blackbelte­r na si Ian Ignacio.

 ??  ?? Cong. Monsour
Cong. Monsour

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines