Balita

Bagong teleserye, sinimulan na ni Rayver

- Nora V. Calderon

THANKFUL ang nagbabalik-Kapuso actor na si Rayver Cruz na after niyang mag-sign ng exclusive contract sa GMA Network ay nagsisimul­a na siyang mag-taping ng bago niyang teleserye, ang Asawa Ko, Karibal Ko.

Tiyak na isa na naman itong mapangahas at bigating kuwento na ilo-launch ng GMA next month, sa Afternoon Prime Drama.

Ipagtatano­ng na naman ng mga netizens kung ano ba ang story ng Asawa Ko Karibal Ko, kung saan makakasama ni Rayver ang dalawang mahuhusay na Kapuso actresses na sina Kris Bernal at Thea Tolentino. Kasama rin nila ang isa pang mahusay na aktor, si

Jason Abalos.

Nasa serye rin sina

Lotlot de Leon, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Devon Seron, Anna Barro, at si Matthias Rhoads.

Kaabang-abang kung ano ba talaga ang story ng Asawa Ko Karibal Ko, na ididirehe ni Mark dela Cruz.

 ??  ?? Kris, Derrick at Thea
Kris, Derrick at Thea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines