Balita

Six-legged walking robot, ibinida

-

Kinilala bilang “world’s largest rideable hexapod robot” ng Guinness Worlds Records ang walking robot na likha ng isang British engineer sa Hampshire, England.

May sukat na 9 ft, 2 inches by 16 ft at 6 inches at bigat na 4,188 pound ang robot ni Denton na pinangalan­an niyang Mantis.

Gumagana ang robot sa pamamagita­n ng remote control o kaya’y driver.

Ayon kay Denton, inspired sa AT-AT robots ng pelikulang Star Wars ang kanyang Mantis.

“I walked out of the cinema going ‘machines that walk.’ I couldn’t believe it. That was pretty much it, that inspired me!” pahayag ni Denton.

Samantala, hindi lamang Guinness world record ang nakuha ni Denton, dahil naging bahagi din siya ng team na bumuo ng BB-8 robot sa pelikulang Star Wars Episode VII: The Force Awakens.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines