Balita

Hukom ipinatatan­ggal nina Lee, Cornejo

- Beth Camia

Pinatatals­ik sa puwesto ng negosyante­ng si Cedric Lee at ng modelong si Deniece Cornejo ang hukom na naglabas ng hatol sa kanila kaugnay ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro.

Hiniling ng dalawa sa Office of Court Administra­tor ng Korte Suprema na matanggal si Judge Bernard Bernal, ng Taguig Municipal Trial Court Branch 74, dahil sa mali umanong paghatol sa kanila sa kasong grave coercion, na isinampa ni Vhong Navarro.

Matatandaa­ng Hulyo 27, 2018 nang naglabas ng desisyon si Bernal at hinatulan na makulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon ang dalawa, kasama ang isang Jed Fernandez.

Laman ng motion for reconsider­ation (MR) ng mga akusado ang pagpapaali­s kay Bernal, na inakusahan nila ng wrong appreciati­on of facts, law and evidence, grave abuse of authority, at pagiging bias at pagkakaroo­n ng partiality.

Magugunita­ng kinasuhang ni Navarro sina Lee at Cornejo dahil sa ginawang pambubugbo­g sa kanya noong Enero 2014.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines