Balita

NU at DLSU, dedepensa sa UAAP badminton

-

PUNTIRYA ng National University ang ikalimang sunod na kampeonato sa men’s division, habang asam ng De La Salle ang back-toback title sa women’s class sa pagpalo ng UAAP Season 81 badminton tournament ngayon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Kapwa nakakuha ng bye ang Bulldogs at Lady Shuttlers at sisimulan nila ang kampanya sa Huwebes.

Haharapin ng NU ang Ateneo ganap na 8 ng umaga. Sa women’s session ganap na 1 ng hapon, magtutuos ang De La Salle at Ateneo.

Ipaparada ng Bulldogs, sa pangunguna ni ast season’s MVP Alvin Morada, ang beteranong line up na kinabibila­ngan din ni dating MVP Leeward Pedrosa.

Pangunguna­han naman ni reigning MVP Nicole Albo ang Lady Shuttlers’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines