Balita

HIKE! HIKE!

R2 nadagdag sa petrolyo ngayong Setyembre, dadagdagan pa

- Ni BELLA GAMOTEA

Magpapatup­ad na naman ng oil price hike sa bansa ngayong linggo—ang ikaapat na sunod na linggo ngayong buwan.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 10-20 sentimos ang kada litro ng gasolina at diesel.

Ang nagbabadya­ng dagdagpres­yo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan.

Ito na ang ikaapat na sunod na nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Setyembre.

Setyembre 18 nang nagdagdag ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa kerosene, at 15 sentimos naman sa diesel.

Sa tatlong linggong oil price hike ngayong buwan, nasa kabuuang P2.10 na ang itinaas sa kada litro ng gasolina, P2 sa diesel, at P1.80 sa kerosene.

 ?? ALI VICOY ?? MID-AUTUMN FESTIVAL Nangagsabi­t kahapon ang mga Chinese lantern sa Lucky Chinatown mall sa Binondo, Maynila, bilang bahagi ng selebrasyo­n ng Mid-Autumn Festival ng mga Filipino-Chinese.
ALI VICOY MID-AUTUMN FESTIVAL Nangagsabi­t kahapon ang mga Chinese lantern sa Lucky Chinatown mall sa Binondo, Maynila, bilang bahagi ng selebrasyo­n ng Mid-Autumn Festival ng mga Filipino-Chinese.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines