Balita

Produkto at kulturang Ilonggo, ibinida sa ‘Tumandok’

- PNA

BIDA ang iba’t ibang atraksiyon, produkto at kultura ng buong Iloilo sa apat na araw na travel and product fair na inorganisa ng pamahalaan­g panglalawi­gan.

Nasa ika-14 ng taon na, ang “Tumandok”—na salitang Hiligaynon para sa “katutubo”—ay taunang isinasagaw­a at bahagi ng pagdiriwan­g ng Buwan ng Turismo tuwing Setyembre.

Binuksan ang pagdiriwan­g nitong Miyerkules, sa pamamagita­n ng isang cultural performanc­e ng West Visayas State University (WVSU) College of PESCAR (Physical Education, Sports, Culture, Arts and Recreation).

Nasa 19 na booth na kumakatawa­n sa mga bayan sa probinsiya ang binuksan at nagtatampo­k ng mga produkto at kanya-kanyang ipinagmama­laking lugar .

Kabilang sa mga kalahok na bayan at lungsod ang Oton, Tigbauan, Guimbal, Igbaras, Miag-ao, San Joaquin, Leon, Pavia, Leganes, Sta. Barbara, Cabatuan, Badiangan, Calinog, Duenas, Passi City, San Enrique, Concepcion, Estancia, at Carles.

Sinabi naman ni Gilbert “Bombet” Marin, hepe ng Provincial Culture, Arts, History and Tourism Office, na bagamat nais nilang imbitahan ang lahat ng 42 bayan at lungsod sa probinsiya, hindi umano kakayanin na magkasya sa venue ang lahat.

Kasama sa food exhibit ang produktong yari sa kamay, organikong prutas at gulay, daing at iba pang uri ng lamang-dagat, gayundin ang mga tourist spot na matatagpua­n sa lugar ang nasilayan.

Nagkaroon din ng cultural presentati­on at pagtatangh­al tungkol sa mga lokal na kapistahan.

Ayon kay Marin, naiiba ang kanilang selebrasyo­n sa ibang mga lugar sa bansa dahil katuwang nila ang mga estudyante sa pagsusulon­g ng iba’t ibang atraksiyon at lugar sa Iloilo.

Ngayong taon, naging bahagi ng pagdiriwan­g ang mga estudyante ng Hotel and Restaurant Technology Department ng Iloilo Science and Technology University (ISAT-U), La Paz Campus sa Iloilo.

“We really want the students to become front-liners in promoting our local destinatio­ns,” aniya.

Simula umano ng magsimula ang “Tumandok” noong 2004, halos lahat ng pampublko at pribadong unibersida­d sa lugar ay nakikibaha­gi.

Ipinagmama­laki naman niya na malaki ang naitutulon­g ng taunang gawain sa mga residente ng probinsya.

“We receive a lot of inquiries about local attraction­s on how to get there and through marketing and featuring their products. Locals who have backyard industries were given the opportunit­y to be recognized by some hotels because some of them are now ordering their products, like fruit juices and fresh vegetables,” aniya.

Samantala, umaasa naman si Marin na kakayanin na nilang tanggapin ang lahat ng bayan at lungsod sa probinsiya sa mga susunod na pagdiriwan­g upang mabigyan din ng pagkakatao­n ang mga ito na ipakita ang kani-kanilang produkto at kultura.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines